PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPERPAD PAPER

Saturday 28 April 2012

Graduation


Lava Lamp
Ang ganda naman ng umaga ko, although tanghali na s'ya. 11:43 na ako nagising. 'Pag mulat ng mata ko ang una ko laging tinitignan ay ang lava lamp ko. Relaxing kasi. Pagkatapos kukunin ko na ang mumunti kong smart phone, smart phone nga ba ito? Samsung Galaxy Y kasi ang telepono ko kaya ko nasabing mumunti. Regalo 'yun ni mother nung pumasa ako sa board exam. Actually, isa 'yun sa mga dahilan kaya nagpumilit ako pumasa. Maibalik ko lang sa ikinaganda ng umaga ko, napanood ko kasi 'yung graduation speech nung schoolmate ko nung April 24, 2012. Cum Laude kasi s'ya kaya s'ya nagdeliver ng speech. Ang galing nya talaga magsalita. Napakaconvincing ba. Parehas kami ng course pero sa batch nila may Laude sa'min wala. Ika nga ni Sir T, kami daw ang batch na paeasy-easy. Pito lang kami sa batch. Sa batch ngayon, sampu sila at walang lalaki sa kanila. Wait! Meron pala, isa! Pero dapat batchmate namin 'yun. Sa batch namin may apat na babae at tatlong lalaki. Girls rule! Joke lang. 

Nostalgic. 'Yun ang masasabi ko pagkatapos kong mapanood 'yung video. Masarap talaga sa pakiramdam ang grumaduate. Sa ngayon, apat na beses na ko grumaduate. Pre-elementary. Elementary. High School. College. Pero walang kasing sarap ang grumaduate ng college. Dahil masarap s'ya sa pakiramdam, I am looking forward na grumaduate ulit. Gusto ko maglaw. Pero hindi ko alam kung matutupad ko pa 'yun. :( 

Kapag chinecheck ko ang Facebook ngayon wala akong ibang makita kung hindi mga graduation pictures. Andun ang ngiti sa kanilang mga labi at luha sa kanilang mga mata. Nacoconfuse na nga ako kung sino ba sino kasi puro itim at dilaw ang nakikita ko sa mga display photo ng karamiran.  Napagdaanan ko rin naman 'yun kaso mgadalawang araw ko lang yata ginamit 'yung DP. I am so happy and proud of Batch 2012 graduates. Ang wish ko lang para sa inyo ay sana may sapat na trabahong naghihintay sa inyong lahat para hindi masayang ang inyong mg pinag-aralan. 

BS in Accountancy
KCIRYM (Batch 2011)
Isang taon na mula noong ako ay nagmarsta pero hindi ko pa rin makalimutan ang pakiramdam na masarap balik-balikan. Hindi ako umiyak noong graduation namin dahil ayokong magdrama. Kapag ako nagsimulang umiiyak nahihirapan na kong pigilan kaya pinili ko na lang na huwag umiyak. Si Mother, si Ninang (ninang ko s'ya sa girls scout), at ang boyfriend ko, na asawa ko na ngayon, ang kasama ko noong graduation. Masaya ako. Masaya din sila para sa'kin. Nakita naman nila kung gaano ko nagtiyaga para makagraduate, kahit hindi 'yun nakita ni Sir T. Oo, paeasy-easy naman talaga ako. Ako nga ang pinaka tamad sa klase. Actually, ako lang pala ang tamad. Lahat ng kaklase ko masipag, sila na nga! Pero sa lahat ng ginagawa ko I make sure na matatapos ko s'ya. Sa bawat exam ko I made sure na maipapasa ko s'ya kahit hindi ako nagpapasok. Kaya alam ng pamilya ko kung gaano ako nagtiyaga. Sa akin naman talaga nakasalalay ang ikakapasa ko at ikakabasak ko.

Malungkot lang ako ngayon dahil isang taon na nga ang nakakalipas mula noong nagmartsa ako ngunit wala pa kong napapatunay. Ang tanging hawak ko lang ay ang degree at title ko. At nawawalan sila ng say-say sa mga kamay ko. :'(

Once again, CONGRATULATIONS Batch 2012!

First Timer

This is my first time to blog. Hindi ko alam pero excited ako. 1:35 na ng umaga, hindi pa ako natutulog dahil gusto kong subukang magblog. Actually, hindi ako marunong. Hindi ko alm kung ano ba ang itsura ng isang blog, kung anu ba ang nilalaman nito. Sabi ko nga sa "About Me" ko, hindi ako natural writer. 'Ni wala nga akong idea sa ginagawa ko ngayon. 

Mahilig ako magsulat. Sinusulat ko kung ano ang nangyari sa akin sa buong araw. Nagsusulat din ako kapag may mga bagay akong gustong sabihin at walang sinuman ang pwedeng makinig. Dahil first time ko, ipapakilala ko na lang kung sino ako.

Ako si KCIRYM. Hindi ko tunay na pangalan. Pero yan ang pangalan ko sa lahat ng nilalaro ko, mapaonline man o closed beta games. Isa akong babae. 21 years old na ako. Magtwe-22 na sa June. May asawa na ako pero wala pa kaming baby (although gusto na namin pero we chose not to have one kasi sa palagay namin hindi pa kami prepared). Masaya ako sa buhay may asawa. Mahilig ako maglayout pero hindi maireflect ng  page ko dahil wala akong photoshop dito. Natakot ako magdala ng pirated na installer dahil baka mahold pa  ako sa airport. Play safe ba. 

Isa akong propesyonal. Isang taon na ang nakalipas mula nang grumaduate ako at kalahating taon na ang lumipas mula nang maipasa ko ang board exam. Isa akong CPA (Chicken-Pork Adobo este Certified Public Accountant) sa minamahal kong bansang Pilipinas. Hindi biro 'yung board exam pero kinaya naman.  Aminin ko man o hindi namimiss ko ang mag-aral. Namimiss kong gamitin ang utak ko. Medyo nakatengga na kasi. Isa akong taong may pangarap na sana matupad na sa lalong madaling panahon. Malapit na ko sa goal ko pero hindi talaga mawawala ang mga hindrances. Konting tiyaga pa at mararating din kita. Lahat naman nadadaan sa pagtitiyaga.

Dahil ito nga ang unang beses ko magblog, hindi ko alam kung paano rin ito tapusin. Siguro ok na ung magpost ang ng picture, tulad nito...