PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPER    PAD PAPERPAD PAPER

Sunday 27 May 2012

Perfectly Imperfect

Hirap na ako. Hirap na hirap. Hindi ko na alam gagawin ko. Pakiramdam ko ngayon napakasama kong asawa, wala akong kwenta. Magkalayo kami ngayon ng asawa ko. Andito ako sa Australia, siya nasa Pilipinas. Tatlong b'wan na kaming ganito, LDR (long-distance relationship). Actually, hindi ako sanay ng ganito kasi buong buhay ko sanay ako na andyan lang s'ya sa tabi ko. Sanay ako na isang tawag ko lang darating s'ya para sa akin. Fifteen years old ako noong naging magbf-gf kami. Ngayon twenty-two years old na ko. I've been with him for almost seven years. Yes, seven years. Pero magfifive months pa lang kaming kasal. Nothing has change para pa rin kaming magbf-gf. Actually, ako lang pala 'yung hindi nagbabago. He is now a real man, a family man. He is really preparing to be a good father and a good husband while I am being a total waste, a freak. Spoiled ako sa kanya. He is doing everything for me. I love being spoiled by him kasi ramdam na ramdam ko kung gaano n'ya ako kamahal. 

He is a perfect husband unfortunately married to an imperfectly freak wife. 

He is a rational person. He is perfect because he is not only bright, he also got the looks, yes, he is handsome. He is talented. He is an athlete. I think he got everything to be an ideal husband. He really values our relationship. He cares about me. He cares about our future. How about me? I don't get any looks. I am not bright. I might have some talents but nothing to be proud of. I was an athlete so many years ago. I am NOT an ideal wife. I am so ashamed. I should be. I am just making his life worse. I should be out of his life. 

I may not be an ideal wife but I am doing everything to be a good wife. I know, my everything isn't enough. I am miserable. Now, I can't even answer the question, "Why did he marry you?". I don't know why. Maybe because he loves me? But why does he love me despite of my imperfections that really make him sick? I don't know! All I know now is that I love him so much. I want to be with him for life and that I am really sorry.

Wednesday 9 May 2012

She Dated the Gangster

love is happiness...
love is smiling when you here that person's voice...
love is the butterflies in your tummy no matter how many times you see that person..
love is when you look at the and smile for no reason...
love is seeing an imperfect person perfectly...
love is painful...
love is sacrifice...
love is sadness...
"Can I live without the happiness? Can I live with that sadness? I don't know...I don't know anything anymore"

(excerpts from the novel She's Dating The Gangster)




This is the second time to read a love story (novel/short story) after Message in a Bottle by Nicholas Sparks. Hindi kasi ako fan ng romance na genre. I prefer mystery, horror and fantasy. Ewan ko ba, pati kasi love story na movie ayoko. 'Yung Message in a Bottle kaya ko lang binasa kasi pinahiram kami ng professor namin sa law ng mga libro. Nakiuso naman ako sa mga kaklase ko. Eto namang kababasa lang na story entitled She's Dating The Gangster ay binasa ko lang kasi sabi ng pinsan ko maganda daw. Binasa ko naman.



Mahaba 'yung story. Meron s'yang 50 chapters + prologue + epilogue = 52 in all. Taglishrean s'ya. Tagalog, English at Korean ang mga ginamit ng author na language. Imbento ko lan 'yung Taglishrean thingy para sana hindi ko na sabihin yung lahat ng language. Hay. Pero sinabi ko pa rin. Ang gulo ko 'no?

Actually, story s'ya ng mga high school students. Sabi ko nga sa pinsan ko noong hiningan n'ya ako ng comment sa story "Anu ba 'tong mga HS students na 'to ang kukumplikado ng mga buhay." Pero keri lang, maganda naman. Masasabi kong maganda 'yung story pero my konting lapses. Laspses na ba ako lang ang nakakakita kasi nga mayroon akong sariling mundo. LOL

Mahaba s'ya, sabi ko nga. 50 chapters. What a creative mind! Binasa ko s'ya for 19 hours (est.). 12 hours kahapon (est. time from 12nn to 12md) at 7 hours ngayong araw (est. time from 12md-3am and 5pm-8pm). Nakakaadik s'ya! May konting pahinga, check ng notifications at chat sa fb, at hugas ng pinggan naman na kasama 'yun. I can't stop myself from reading it. Nakakaexcite. Kanina nga madaling araw 3am na ako tumigil pero sa totoo lang ayoko pang tumigil magbasa. Tapos noong nahiga na ako sa kama ko hindi pa rin ako makatulog kasi iniisip ko pa rin 'yung story. Adik talaga. Pagkagising ko naman kanina hindi ako kaagad nakapagbasa, althoung kating-kati na ako, kasi kailangan kong umalis para pumunta sa shopping centre at bumili ng Mother's Day gift namin for Mommy.

Kagabi umiiyak ako habang nagbabasa. Damang-dama ko kasi 'yung sakit at galit. Hay ewan ko ba kaya siguro ayaw ko magbasa at manood ng love story. Nakakatawa ako 'no? May isang bagay sa story na sobrang interesado ako kaya patuloy kong binasa. Mind boggling ba. I am a super little bit disappointed kasi hindi masyadong detailed na inireveal 'yung bagay na 'yun dun sa story. Pero keri lang. Hindi rin naman kasi s'ya ganung kaimportante.  

Hindi ako masyadong makapagkwento at makapagbigay ng insights baka kasi interesado kayong basahin, ayoko namang maging spoiler. Eto 'yung link http://www.wattpad.com/2428408-she%27s-dating-the-gangster-prologue. Ang masasabi ko lang maganda ang story nito at sobrang natouch ang puso ko. Cheesy! Hindi ako ngsisise na binasa ko 'yun. Worth it! And also I love these things: >__<v O.O ⌐_⌐ at my isa pa na hindi ko matandaan.



P.S.
Habang hinahanap ko 'yung picture na ginamit ko sa blog na 'to my nakita ako. Nakita ko na ang susunod kong babasahin entitled She's Dating The Gangster Too. S'ya rin 'yung author. Excited much!>.<

Saturday 28 April 2012

Graduation


Lava Lamp
Ang ganda naman ng umaga ko, although tanghali na s'ya. 11:43 na ako nagising. 'Pag mulat ng mata ko ang una ko laging tinitignan ay ang lava lamp ko. Relaxing kasi. Pagkatapos kukunin ko na ang mumunti kong smart phone, smart phone nga ba ito? Samsung Galaxy Y kasi ang telepono ko kaya ko nasabing mumunti. Regalo 'yun ni mother nung pumasa ako sa board exam. Actually, isa 'yun sa mga dahilan kaya nagpumilit ako pumasa. Maibalik ko lang sa ikinaganda ng umaga ko, napanood ko kasi 'yung graduation speech nung schoolmate ko nung April 24, 2012. Cum Laude kasi s'ya kaya s'ya nagdeliver ng speech. Ang galing nya talaga magsalita. Napakaconvincing ba. Parehas kami ng course pero sa batch nila may Laude sa'min wala. Ika nga ni Sir T, kami daw ang batch na paeasy-easy. Pito lang kami sa batch. Sa batch ngayon, sampu sila at walang lalaki sa kanila. Wait! Meron pala, isa! Pero dapat batchmate namin 'yun. Sa batch namin may apat na babae at tatlong lalaki. Girls rule! Joke lang. 

Nostalgic. 'Yun ang masasabi ko pagkatapos kong mapanood 'yung video. Masarap talaga sa pakiramdam ang grumaduate. Sa ngayon, apat na beses na ko grumaduate. Pre-elementary. Elementary. High School. College. Pero walang kasing sarap ang grumaduate ng college. Dahil masarap s'ya sa pakiramdam, I am looking forward na grumaduate ulit. Gusto ko maglaw. Pero hindi ko alam kung matutupad ko pa 'yun. :( 

Kapag chinecheck ko ang Facebook ngayon wala akong ibang makita kung hindi mga graduation pictures. Andun ang ngiti sa kanilang mga labi at luha sa kanilang mga mata. Nacoconfuse na nga ako kung sino ba sino kasi puro itim at dilaw ang nakikita ko sa mga display photo ng karamiran.  Napagdaanan ko rin naman 'yun kaso mgadalawang araw ko lang yata ginamit 'yung DP. I am so happy and proud of Batch 2012 graduates. Ang wish ko lang para sa inyo ay sana may sapat na trabahong naghihintay sa inyong lahat para hindi masayang ang inyong mg pinag-aralan. 

BS in Accountancy
KCIRYM (Batch 2011)
Isang taon na mula noong ako ay nagmarsta pero hindi ko pa rin makalimutan ang pakiramdam na masarap balik-balikan. Hindi ako umiyak noong graduation namin dahil ayokong magdrama. Kapag ako nagsimulang umiiyak nahihirapan na kong pigilan kaya pinili ko na lang na huwag umiyak. Si Mother, si Ninang (ninang ko s'ya sa girls scout), at ang boyfriend ko, na asawa ko na ngayon, ang kasama ko noong graduation. Masaya ako. Masaya din sila para sa'kin. Nakita naman nila kung gaano ko nagtiyaga para makagraduate, kahit hindi 'yun nakita ni Sir T. Oo, paeasy-easy naman talaga ako. Ako nga ang pinaka tamad sa klase. Actually, ako lang pala ang tamad. Lahat ng kaklase ko masipag, sila na nga! Pero sa lahat ng ginagawa ko I make sure na matatapos ko s'ya. Sa bawat exam ko I made sure na maipapasa ko s'ya kahit hindi ako nagpapasok. Kaya alam ng pamilya ko kung gaano ako nagtiyaga. Sa akin naman talaga nakasalalay ang ikakapasa ko at ikakabasak ko.

Malungkot lang ako ngayon dahil isang taon na nga ang nakakalipas mula noong nagmartsa ako ngunit wala pa kong napapatunay. Ang tanging hawak ko lang ay ang degree at title ko. At nawawalan sila ng say-say sa mga kamay ko. :'(

Once again, CONGRATULATIONS Batch 2012!

First Timer

This is my first time to blog. Hindi ko alam pero excited ako. 1:35 na ng umaga, hindi pa ako natutulog dahil gusto kong subukang magblog. Actually, hindi ako marunong. Hindi ko alm kung ano ba ang itsura ng isang blog, kung anu ba ang nilalaman nito. Sabi ko nga sa "About Me" ko, hindi ako natural writer. 'Ni wala nga akong idea sa ginagawa ko ngayon. 

Mahilig ako magsulat. Sinusulat ko kung ano ang nangyari sa akin sa buong araw. Nagsusulat din ako kapag may mga bagay akong gustong sabihin at walang sinuman ang pwedeng makinig. Dahil first time ko, ipapakilala ko na lang kung sino ako.

Ako si KCIRYM. Hindi ko tunay na pangalan. Pero yan ang pangalan ko sa lahat ng nilalaro ko, mapaonline man o closed beta games. Isa akong babae. 21 years old na ako. Magtwe-22 na sa June. May asawa na ako pero wala pa kaming baby (although gusto na namin pero we chose not to have one kasi sa palagay namin hindi pa kami prepared). Masaya ako sa buhay may asawa. Mahilig ako maglayout pero hindi maireflect ng  page ko dahil wala akong photoshop dito. Natakot ako magdala ng pirated na installer dahil baka mahold pa  ako sa airport. Play safe ba. 

Isa akong propesyonal. Isang taon na ang nakalipas mula nang grumaduate ako at kalahating taon na ang lumipas mula nang maipasa ko ang board exam. Isa akong CPA (Chicken-Pork Adobo este Certified Public Accountant) sa minamahal kong bansang Pilipinas. Hindi biro 'yung board exam pero kinaya naman.  Aminin ko man o hindi namimiss ko ang mag-aral. Namimiss kong gamitin ang utak ko. Medyo nakatengga na kasi. Isa akong taong may pangarap na sana matupad na sa lalong madaling panahon. Malapit na ko sa goal ko pero hindi talaga mawawala ang mga hindrances. Konting tiyaga pa at mararating din kita. Lahat naman nadadaan sa pagtitiyaga.

Dahil ito nga ang unang beses ko magblog, hindi ko alam kung paano rin ito tapusin. Siguro ok na ung magpost ang ng picture, tulad nito...